Tasya's Point of View May dalawang babae at isang lalake ang nasa panel ng interviewer. Sa dalawang babae, naroon ang asawa ni Jericho. Hindi ko alam na affiliated siya sa malaking kompanya na ito.Mataman siyang nakatitig sa akin."Miss, you can sit down," utos sa akin ng lalakeng kasama nila. Mukhang mataray. Tiningnan ako ng pataas at pababang tingin. Mas mataray pa kay Kyle kung ikukumpara.Muli akong naglagay ng ngiti sa mga labi ko at confidence parin na naupo. Pinugkrus ko ang mga paa ko at inayos ang tindig sa pagkakaupo. Nagawa ko pang tumingin sa asawa ni Jericho."Well, it looks like we have a very qualified candidate here..." aniya ng kasama ni Bettina. Kilala ko siya. Siya ang may-ari nitong kompanya. Sikat siya dahil laging nasa news. "Oh, do you think so?" Biglang saad ni Bettina. Sa pananalita niya, hindi siya sang-ayon sa sinabi ng kasama niyang babae. Si Cassandra Uy. Sinubukan kong huwag magpaapekto. I should impress the owner. Not her. Kung bakit siya narito ay
Terakhir Diperbarui : 2025-12-29 Baca selengkapnya