NATHALIENagpatulong ako sa mga tauhan ni kuya na dalhin si Matthew sa ospital dahil sa mga sugat na natamo niya at ngayon ay kasalukuyan siyang ginagamot. Nag-aalala ako ngunit hindi ko maiwasang magalit sa nangyari. Galit ako kay kuya. Galit din ako kay Matthew at hindi ko na alam kung anong gagawin ko sa batang nasa sinapupunan ko. Hindi ko pa rin ito nasasabi kay nanay… sigurado akong magagalit din siya sa akin. Maya-maya ay dumating si Ate Lina at dire-diretsong lumapit sa akin. “Ma’am Nathalie, pinapasundo ho kayo sa akin ni Sir Adonis. Umuwi na daw po kayo.” “E… pero, Ate Lina, si Matthew po… hindi ko po siya pwedeng iwan…” “Wag kang mag-alala, papunta na dito sina Sir Jhondo, sila na ang magbabantay kay Sir Matthew.” “Jhondo? sino iyon?” “Isa siya sa mga tauhan ng kuya mo. Magkakilala rin sila ni sir Matthew, wag kang mag-alala, magkaibigan sila. Sila na ang magbabantay sa kanya.” “S-sige po…” saad ko na sumunod na lang dahil wala akong magagawa. Kailangan kong sundi
Zuletzt aktualisiert : 2026-03-02 Mehr lesen