ADONIS Kumagat ang dilim at wala pa rin kaming natanggap na tulong mula sa kampong naiwan ko. Hindi sila nahulu ng mga talibans ngunit hindi rin sila sumugod ngayon. Marahil ay humingi sila ng tulong sa iba at ginamit ang koneksyon nila. “Siya nga pala, I met your brother, Jhondo.” saad ko. Tinapik ako ni Siobeh at pinandilatan niya ako ng mata ngunit wala akong pakialam. “Brother, who?” “Sino pa nga ba? edi yung kakambal mo, si Jonas.” “O, tapos?” tamad niyang sabi, wala siyang interes na pakinggan ako ngayon. “Alam mo, he’s a decent man. Maayos kausap at professional.” “Bakit mo ba siya binabanggit sa akin? Pakialam ko sa kanya?!” “Well, magkamukhang-magkamukha talaga kayo, parang pinagbiyak na bunga pero… mas disente nga lang siyang tignan kaysa sayo.” “Sinasabi mo ba yan para insultuhin ako, Boss? ayos ka rin e…” “Hindi. Ang pinupunto ko dito, gusto kong magkasundo na kayo ng kapatid mo. Kapag nakalabas tayo dito, magbagongbuhay ka na, umuwi ka sa inyo, humingi ka
Huling Na-update : 2026-01-27 Magbasa pa