ATASHA“I’m sorry, okay? Hindi ko sinasadyang himatayin, hindi ko lang talaga kinayang manood habang umiire ka. Parang ako yung nasasaktan eh!” paliwanag ni Adonis pagkatapos ng lahat. Nasa kwarto kami ngayon hawak ko ang sanggol naming anak. Kakatapos ko lang siyang padedein sa akin. Mas gusto ko talaga magpa-breastfeed dahil mas okay iyon compared sa formula milk. “Wag ka nang magpaliwanag! Okay na.” saad ko habang hinehele-hele ng marahan yung anak namin. “Ahtisa” ang binigay naming pangalan sa kanya. Napakaganda niyang bata at girl version siya ni Adonis. “Sorry na talaga, Mahal ko, I promise, babawi ako…”“Adonis, okay lang talaga… hindi mo kailangan magpaliwanag… hindi ko lang talaga maintindihan bakit ka hinimatay samantalang mob boss ka at sanay ka namang nakakakita ng mga brutal na aksidente.”Napakamot siya ng ulo, “hindi ko rin alam eh, talagang natakot lang ako, grabe kasi yung ire at sigaw mo habang hinihingal ka.” “By the way, kamusta naman si Matthew at Nathalie?”“
Magbasa pa