"Ayos lang naman ho ako." ani Cailyn."Kailangan mo pa ring magpatingin sa doktor, hija. Marumi ang tubig sa ilog na 'yan tapos ngayon ay may sugat pa iyang leeg mo. Baka mas lalo pang lumala 'yan hija kapag na-impeksiyon!" saad ng matanda na nag-aalala pa rin para sa kaniya, palapit na sumusunod sa kaniya."Siya nga pala, hija, nag-aaral ka ba ng medisina? Napaka-husay mo kasi sa pagsasagawa ng CPR at mouth to mouth resuscitation kanina, hindi ka naman mukhang baguhan. Hindi ka rin naman mukhang nasa kolehiyo na? May doktor ba sa isa sa miyembro ng pamilya ninyo? Ang iyong Lolo ba o ang Lola mo?" dagdag pa ng matanda.Sa henerasyon kasi ng matanda ay mataas talaga ang pag-galang sa mga tao na marunong pagdating sa medisina, at marami na rin ang mga naniniwala roon. Ngunit habang umuunlad ang teknolohiya ay siya namang nagiging pangunahin na lang ang pagpili sa kursong iyon dahilan upang unti-unti ng humina ang mga klinika ng medisina. At hindi na rin nito naiwasan pang magtanong sa
Last Updated : 2025-11-18 Read more