Ang umaga ng kasal namin ay tila isang pelikula. Maganda, tahimik, pero may halong kaba na hindi ko maipaliwanag. Habang nilalagay ni Mila ang mga huling bulaklak sa gilid ng veranda, tanaw ko mula sa bintana ng suite ang asul na dagat, kumikintab sa ilalim ng araw.“Alianna, breathe,” sabi ni Mila, pinapahiran ng makeup artist ang pisngi ko. “You look pale.”Ngumiti ako nang bahagya. “I’m fine. Just nervous.”Pero sa loob ko, hindi lang kaba. Parang may bagyong paparating.Nakatitig ako sa sarili ko sa salamin. Ang puting gown na suot ko ay gawa sa manipis na seda, simple pero elegante— regalo ni Theo. Hindi ko pa rin alam kung paano ako napunta rito, ilang linggo lang matapos ang lahat ng nangyari.Magpapakasal ako kay Theo Montemayor.Ang lalaking minsan lang ngumiti pero kaya akong ipagtanggol sa lahat.Narinig kong kumatok si Theo.“Alianna, can I come in?”“Give me a second,” sagot ko.Pagharap ko, nandoon siya— naka-itim na tuxedo, matikas, at nakatingin sa akin na para bang ak
Huling Na-update : 2025-11-11 Magbasa pa