Ang init ng hapon, pero nanlamig ang balat ko nang marinig kong bumukas ang malaking pinto ng resort hall. Mula sa kabila ng hallway, isang boses ang agad nagpaikot ng ulo ng lahat — matinis, matatag, sanay utusan ang mundo.“Matheo Montenegro, is this your idea of a wedding?”Huminto ang oras. Lahat ng staff ay natigilan. Pati si Mila, na kanina’y abala sa mga bulaklak, ay halos mabilaukan sa tubig na iniinom niya.Nang tumingin ako, nandoon siya — isang babaeng may edad pero litaw pa rin ang karangyaan. Suot ang beige Chanel suit, perlas sa leeg, at tingin na parang kahit dagat ay lulubog kung ayaw niya sa kulay ng alon.Si Doña Beatrice Montenegro.Ang ina ni Theo.At sa tabi niya — si Samantha.Maganda, maayos, at nakangiting may bahid ng tagumpay.“Mama,” mahinahong bati ni Theo, bahagyang napailing. “I didn’t know you were coming this early.”“I had to,” sagot ni Doña Beatrice, habang tinitingnan ako mula ulo hanggang paa. “Hindi naman araw-araw na magpapakasal ang anak kong pin
Last Updated : 2025-11-06 Read more