Puting ceiling ang bumungad sa akin, kumikinang na kulay gintong kurtina sa gilid ng kama. Napaigik ako sa pagbangon ko, katawan ko'y puno ng benda. “Finally you're awake. ” Damian, malamlam ang mga mata, halatang walang tulog. “Damian, ” napahagulgol ako, bumabalik sa aking alaala ang huling engkwentro naming dalawa, ang pangbababoy sa akin sa nagdaang araw. “Hey, It's not good for you to cry. Magpagaling ka na muna. ” he kissed my forehead, nagpakalma sa isip at puso ko. Pero sa nangyari sa akin, marumi na ako. Hindi ko namalayang kusa akong umusog palayo mula kay Damian. Nagtataka man pero tumango lamang ito. Dalawang babae ang pumasok, isang taong bukambibig ko at isang taong ang tagal kong hinahanap. “Anak!” Napahagulgol ako ng iyak, yakap yakap ang inang minsan ng naglaho. “Mommy” “I am back anak, huwag kang mag-alala hindi na kita iiwan. Pangako ko sayo.” Ilang minutong nag-iiyakan, ngayon ay marahan akong napatitig sa isang babaeng bukambibig ko. Hindi alam kung da
Terakhir Diperbarui : 2025-11-11 Baca selengkapnya