MasukPumasok ako sa lumang clock tower, ang mga yabag ko ay nag-echo sa katahimikan. Ang lugar na ito, parang bangkay ng kahapon, nagpapaalala sa akin ng mga bagay na hindi ko nais balikan. Huminga ako ng malalim, hinanap ang mga senyales—pero huli na.Isang pigura ang humarap sa akin, may ngiti na parang sugat. Kaelith. Ang mga mata niya, puno ng pang-aasar, nakatingin sa akin na parang laruan lang ako. Napapalibutan ako ng mga tauhan niya, baril na nakatutok—walang takas."Well, well, Damian. Akala ko mas matalino ka," sabi niya, boses na dumadagdag sa galit ko. "Hinahanap mo si Elaris? Sorry, pero nasa akin siya ngayon."Sinuri ko ang paligid, hinahanap ang kahit anong butas. Wala. Ang mga tauhan niya ay nagsara ng mga puwang, parang mga pader na walang bukas. "Ano'ng gusto mo, Kaelith?" tanong ko, tinatago ang init sa loob.Tumawa siya, may paglakad palapit. "Gusto ko lang makita kung gaano ka ka-desperate. Elaris… she's a prize, Damian. At pwede mong makuha siya, kung maglaro ka ng t
Madilim ang mukha ko, kasama si Levi at si Clint sa isang sulok ng bar, nag-iinom ng alak na walang lasa. Ang neon lights sa labas ay sumasayaw sa mga bintana, pero ang loob ay puno ng usok at mga bulong ng mga hindi kilalang usap. Wala silang salita, tanging ang tunog ng mga yelo sa baso ang pumupuno sa katahimikan.Levi, ang matangkad at tahimik, sumulyap sa akin. "Wala pa ring balita kay Elaris, king." aniya, boses na mababa.Umiling si Clint, ang mga mata niya ay nakatitig sa alak. "Para tayong naghahanap ng langgam na di malaman-laman kung saan ang lungga." nilagok ang alak sa baso, nagpakawala ng buntong-hininga. "May kutob ako, Tol. May naglalaro sa likod."Biglang tumunog ang phone ko. Sinenyasan niya ang dalawa na tumahimik, tinignan ang screen. "Si Julian," aniya, sinagot ang tawag. "Julian, ano'ng meron?"Ang boses sa kabilang linya ay mahina, pero may bigat. "Nahanap ko ang Seravell. Kailangan nating gumalaw, ngayon."Tinigil ko ang tawag, tinignan ang mga kasama. "May ga
Halos malaglag ang panga ko ng makilala ang taong nandito. Ang kapatid ni Damian. Si Lucas. Nakatayo siya sa harapan namin, may seryosong ekspresyon, mga mata niya na tila tinatrabaho ang bawat galaw ko."Elaris," sabi niya, boses na mababa at kontrolado. "Bakit ka umalis sa poder ni Kuya?"Nanlilimahid ako, ramdam ko ang bigat ng titig niya. Humakbang palapit si Tiya Sally, may pag-aalala."Ano'ng ibig sabihin nito, Lucas? Anong kailangan mo?"Kilala ni Tiya Sally si Lucas? Si Lucas hindi tumingin kay Tiya Sally, nakatitig pa rin sa akin. "Gusto kong makausap si Elaris. Tungkol sa mga bagay na dapat niyang malaman."Nanatiling tikom ang aking mga bibig. Hindi ko alam kung anong sasabihin, o kung bakit siya nandito. Mga alaala kay Damian pumasok sa isip ko, takot at pag-iwas. Nakita ko si Cataliya na nakasilip mula sa kusina, nag-aalala, parang may mali. Ang kaniyang mga mata, puno ng takot. May ginawa ka ba Lucas kay Cataliya? "Umalis ka na," sabi ni Tiya Sally, matigas ang tono
Nasa gitna ako ng paglalakad sa umagang may sikat ng araw, patungo sa maliit na café hindi kalayuan sa resort, nang bigla kong napansin ang isang pigura na tahimik na sumusunod sa akin. Si Cataliya. Nakaupo siya sa isang sulok, mata niya nakatitig sa akin, parang nagbabantay.Hindi ko napigilan ang ngiti. "Cataliya, anong ginagawa mo?" tanong ko, bahagyang nagtataka.Lumapit siya, mga hakbang niya mahina pero determinado. "Sinasamahan kita," sagot niya, boses niya mababa. "Ayokong maulit yung nangyari. Kailangan mo ng makakasama at baka ano na naman papasok sa kukote mo ate."Napahinto ako, may init na dumaloy sa dibdib ko. "Hindi mo kailangang gawin 'to, 'Cataliya," sabi ko, pero hindi siya umalis."Si Tita ang may sabi, kailangan kong bantayan ka," tugon niya, nakataas ang kilay, parang hamon. "At gusto ko rin."Nagpatuloy kami sa paglakad, magkatabi, walang masyadong salita pero may tahimik na pagkaintindi. Sa café, umorder ako ng Milkshake, at siya ay juice. Nilapag ang aklat na
Ilang linggo ang lumipas, at ang resort ay unti-unti nang bumabalik sa normal na ritmo—ang mga bisita ay dumadagsa, ang mga alon sa dagat ay patuloy na humahampas. Pero sa gitna ng lahat, si Ate Elaris... tahimik. Parang may bigat siyang dinadala.Nagtatrabaho ako sa reception, ako ang pumalit pansamantala kay ate Elaris. Sinusubaybayan ang mga check-in, nang bigla akong napansin na nakaupo siya sa isang sulok ng garden, nakatitig sa dagat. Walang expression sa mukha niya, pero may mga mata niyang tila may malayo nang iniisip. Ang kaniyang pagiging tahimik ay nagbibigay ng kakaibang kaba sa akin—parang may hindi niya sinasabi.Lumapit ako nang marahan, hindi ko alam kung gagawin ko bang makialam. "Ate Elaris, okay lang po ba kayo?" tanong ko, boses ko ay mahina.Hindi siya agad sumagot. Nanatili siyang nakatitig sa dagat, pero pagkatapos ng ilang segundo, huminga siya nang malindi. "Cataliya... may mga bagay lang na hindi ko pa naproseso. Pero okay naman ako."May hinto sa mga salit
Lumipas ang ilang linggo, at unti-unti nang nahuhulog sa routine ang mga araw ko sa resort—tinatrabaho ang mga bisita, inaasikaso ang mga detalye, at palawakin ang pag-iingat sa sarili dahil sa pagbubuntis. Kahit papaano, nalibang ko rin naman ang sarili ko. Pero ngayon, habang nagmamadali akong pumunta sa reception, isang aksidente ang biglang sumira sa katahimikan.Nabangga ko ang isang babae, at ang dala kong baso ng juice ay sa kanya. "Pasensya na!" paghingi ko ng tawad agad, pero bago pa ako makapag-react, tinulak niya ako nang hindi inaasahan. Nawalan ako ng balanse at napasubsob sa sahig, ramdam ang matinding sakit sa tyan ko.Nalaglag ang hininga ko, nangangamba ako. Baka mapano ang anak ko... ang aking tanging lakas... Pilit akong tumayo, hinawakan ang tiyan ko, habang ang babae ay tumayo rin, mukhang walang pakialam."bulag ka ba? Punyeta kita mong kakabihis ko pa lang," sabi niya nang malamig, hindi man lang lumapit para tulungan ako.Bagkus ay tinulak ako nito ulit, dah







