Hindi naman ganoon kahirap ang mga gawain. Sa umaga, bago pumasok sa paaralan, nagluluto ako ng almusal at inaasikaso ang lahat bago umalis. Pag-uwi, ganoon din — linis, laba, ayos ng bahay. Araw-araw, pareho lang. Walang bago. Walang reklamo. Sa unang tingin, maayos ang lahat dito sa bahay ng mga Montefalco. Tahimik. Disiplinado. Malinis. At si Ma’am Selene— hindi naman ganoon kasungit gaya ng iniisip ko noong una. Sana nga ay hindi ako nagkakamali. Minsan, naiisip kong swerte na rin ako. May bubong na masisilungan, pagkain sa lamesa, at pagkakataong makapagpatuloy sa pag-aaral. Pero sa likod ng lahat ng iyon, may mga bagay na tila hindi maipaliwanag. Sa laki ng bahay, halos nalibot ko na ang bawat sulok — ang hardin, kusina, bodega, at maging ang silid-aklatan. Lahat, maliban sa sang silid na may itim na pinto sa dulo ng pasilyo. Tahimik at laging nakasara. Walang lumalapit. Walang pumapasok. Minsan ko itong tinanong kay Ma’am Selene, ngunit isang malamig na ngi
Last Updated : 2025-11-02 Read more