SAGEAkala ko matapos ‘yung gabi ng gala, unti-unti na kaming magiging okay.Minsan nga, naiisip ko pa na baka sa wakas, may chance na kami ni Nox na hindi na kailangan itago. Na hindi na kailangan iwasan ang mga mata ng tao, ang bulung-bulungan, ang mga tingin na parang sinusukat ang bawat kilos mo. Na puwede na lang kaming dalawa, normal lang sa mundo namin, na hindi nakakabuo ng pelikula sa isip ng iba.Pero kinabukasan, nagising akong parang may bigat sa dibdib, hindi dahil sa kaba, kundi dahil sa sunod-sunod na tunog ng notification sa phone ko.Hindi ko alam kung gusto ko bang sagutin o itapon na lang.Isang message mula kay Arabella.“Sage, check Twitter. Ngayon na.”Napatayo ako agad, pagbukas ko ng Twitter, halos mahulog ‘yung phone ko sa gulat.Doon sa feed, short clip ng video namin ni Nox. Sa gala, sa balcony at naghahalikan.Ang caption:“CEO Nox Cortez spotted kissing a mysterious employee after the company gala last night.”Napatakip ako ng bibig. Parang biglang t
Last Updated : 2025-11-08 Read more