SAGEAyoko sanang sumama. Pero nang marinig kong buong team ay invited, at si Arabella na mismo ang nagpilit, wala na akong nagawa.“Team dinner lang ‘to, girl. Casual. Promise, walang big deal,” sabi niya, habang inaayos ‘yung lipstick sa harap ng salamin.Alam kong may posibilidad na andoon siya. At alam ko rin na kahit anong iwas ko, lagi’t lagi akong nauuwi sa parehong eksena, sa paligid kung saan nandoon si Nox Gabriel Cortez.Ang dinner ay ginanap sa isang restobar sa Makati. Warm lights, low music, amoy ng grilled steak at wine. Maingay, pero hindi nakakarindi. Maganda ‘yung ambience, parang sinadyang gawing komportable kahit para sa mga taong sanay magtago sa likod ng professionalism.Liam Denzel Diaz, Nox’s best friend at business partner, ang host ng gabing ‘yon. Charming, madaling kausap, at ‘yung tipo ng lalaki na kaya mong pagtiwalaan agad kahit ngayon mo lang nakilala.“Finally, you’re here,” sabi ni Liam nang dumating kami ni Ara. Nakangiti siya, ‘yung ngiting mag
Last Updated : 2025-11-04 Read more