Nakakatakot talaga, paano nito nalalaman ang iniisip niya.Dahil sa ganitong tensyon, hindi nakatiis si  Diana at nagtaka. “Yung babaeng ‘yon, ang ganda ng katawan niya. Bakit  hindi siya nagustuhan?”Tahimik siyang tiningnan ni Lander. “Base sa sinabi mo, kapag isang babae ang humatak sa akin, kailangan ko ba siyang tanggapin? Hindi ako kaladkarin.”Napangiwi si Diana sa taglay na kayabangan ng lalaki, “Maganda naman siya, eh… wala ka bang ibang babaeng gusto? Ano ba ang tipo mo?”Isang mabilis na sulyap lamang ang ibinigay nito sa kanya, at tila walang interes sa tono ng boses. “Ah, ngayon ba nagsisimula ka nang magtanong tungkol sa gusto ko, gusto mo ba akong ligawan?”Lumihis ng tingin si Diana. “Wala akong sinabing ganun.”Pagdating nila sa gate ng Lide, magalang pa rin siyang nagpasalamat. “Salamat, Mr. Sales.”Walang pakialam si  Lander, basta winiwisik lang ang kamay niya sa hangin. Dumaan ang kotse sa tabi niya, at nagpatuloy sa pagtakbo.Habang paakyat siya sa building, n
Baca selengkapnya