Birthday gala_7:45 pm_LUCY'S POVPuno na ang venue, hinihintay na ng lahat si Lhea na lumabas. Nauna na ako at naupo sa reserve na table para sa amin ni Feron, pero nasaan ba siya?Inikot ko ang mga mata ko sa venue pero hindi ko siya makita. May ilang minuto pa naman bago magsimula ang party kaya tumayo muna ako para hanapin siya.“Feron?” tawag ko nang makita ko siyang nakasandal sa pader, malayo sa mga bisita. “Anong ginagawa mo rito? Bakit hindi ka pa pumupunta roon?”“Ah, tinitingnan ko lang ang paligid at sinisigurado kong safe ang lugar. Mula sa mayayaman at mahahalagang pamilya ang mga bisita, baka hindi malabong… magkaroon na naman nang biglaang pangyayari,” tugon niya.May kirot na tumusok sa dibdib ko, may sinabi ba sa kaniya si papa?“Kung may nasabi sa'yo si papa, ‘wag mo na lang pansinin ‘yon. Personal bodyguard kita at hindi ka kasama sa mga security guards kaya hindi mo kailangang gawin ‘to,” paalala ko at hinawakan siya.Umiling siya. “Walang sinabi ang papa mo sa a
Terakhir Diperbarui : 2025-11-19 Baca selengkapnya