LUCY'S POVSumang-ayon ang iba at nagsimula na rin silang tumayo.“Pasensya na, Lucy pero gano'n lang din ang kaya kong ibigay. Alam kong malaki ang naitulong ng pamilya ninyo sa amin, pero ayaw kong malugi,” wika ni Mr. Cruz.“Sorry, Lucy at Lhea. Gusto naming tumulong sa inyo pero wala kaming magagawa.” Si Mr. Torres naman ang sumunod.Tanging tango lang ang naisagot ko sa kanila. Hindi ko naman sila mapipilit sa bagay na hindi sila willing gawin.—-“I'm home, bakit gising ka pa?” Malambing ang boses ni Feron. “Late na, dapat natutulog ka na ng ganitong oras. May inaasikaso ka pa ba o hinihintay?” sunod-sunod niyang tanong, nag-aalala.Bakit mas nag-aalala pa siya sa akin? Siya itong nangingitim na ang ilalim ng mga mata dahil wala na siyang tulog at pahinga pero tuloy-tuloy pa rin siya sa pagtatrabaho.Titigan ko lang ang mukha niya ay naiiyak na ako, kaya mabilis akong umiwas ng tingin at umiling.Kahit anong ayos niya at pagpapanggap, hindi makakatakas sa akin ang pagod na bakas
Last Updated : 2025-11-26 Read more