LUCY'S POVMabilis na lumapit ang staff kay Feron at agad niyang kinuha ang card nito. “Ah! Okay po sir, sandali lang po.” Nakangiting umalis ang staff at naiwan na lang kaming apat.Isang mahinang tawa ang nanggaling kay Andrew at tuluyan nang humarap sa amin. “Limang milyon ay hindi birong halaga, Feron. Ngayon pa lang ay sabihin mo ng wala talagang laman ang card mo at hindi mo kayang bilhin ang hikaw bago pa mapahiya si Lucy. Isang bodyguard ka lang imposibleng mayro’n kang gano’ng halaga.”Tumawa rin ng sarkastiko si Feron. “Hindi ka magaling pumili ng babae, Mr. Hidalgo pero masyado mo namang ginagalingang manghula kung magkano ang pera ko.”Ngumisi si Andrew at namulsa. “Hindi naman ako nanghuhula, nagsasabi lang ako ng totoo. Ang isang tulad mo na wala namang maipagmamalaki ay imposibleng magkapagbayad ng limang milyong piso ng isang bagsakan—”“Okay na po sir, ito na po ang card niyo.” Naputol ang sasabihin ni Andrew ng bumalik na ang staff at nakangiting inabot sa amin ang
Terakhir Diperbarui : 2025-11-24 Baca selengkapnya