LUCY'S POV“Lucy, kumusta ka na?"Bumalatay agad sa mukha ko ang inis nang marinig ko ang pamilyar na boses na iyon. Hindi ko man maigalaw ang leeg ko para tingnan kung sino ang dumating na bisita, alam kong si Andrew iyon.“Anong ginagawa mo rito?” mataray kong bungad.“Naririto ako para kumustahin ka. Naririto ako dahil nag-aalala ako sa'yo. Hindi pa ba obvious, Lucy?"The audacity! Kasal na ako at tapos na kami. Hindi na niya kailangang umarteng concern sa harap ko.“Ako dapat ang pinili mo, hindi ang walang kwentang lalaking ‘yon. Hindi mangyayari ang ganito kung sa akin ka ikinasal, Lucy,” mayabang pa niyang sabi.Naparito lang ba siya para ipamukha na naman sa akin na mali ang naging desisyon ko o naparito siya para lang maliitin ang lalaking napili kong pakasalan dahil sa ego niya? Ang kapal pa rin talaga ng pagmumukha niya.“Wala akong pakialam sa opinyon mo. Umalis ka na dahil hindi kita kailangan dito,” pagtataboy ko sa kaniya.“Bumalik ka na sa akin, Lucy.” Naging malumanay
Last Updated : 2025-11-19 Read more