-Hariette-Dumating na ang araw ng huling hearing ko. Lahat sila ay nandoon para saksihan ang magiging resulta nito, at kung ano ang magiging desisyon ng hukom sa kaso ko. Si mommy, si daddy at si Justin ay magkakasunod na pumasok sa maliit na silid kung saan ako naroroon at naghihintay sa kanila.Nakaupo ako sa isang silya habang nakaposas ang mga kamay ko, at nang bumukas ang pinto, agad akong tumayo.“Hariette, anak!” umiiyak na niyakap ako ni mommy. “Anak, nandito na ang kuya mo para tulungan ka. Hindi ka niya papabayaan. Alam kong maaabsuwelto ka sa kaso mo.”“Thank you, mommy.” umiiyak na sambit ko. Gustong-gusto kong gumanti ng yakap sa kanya pero hindi ko magawa.Nang kumalas siya mula sa pagkakayakap sa akin, si daddy naman ang lumapit at niyakap din ako ng mas mahigpit. “Lakasan mo ang loob mo, anak. Pagkatapos nito, hindi ka na ulit babalik sa kulungan.”“Salamat, daddy.” bulong ko habang nakasubsob ang mukha sa dibd!b niya. Sobrang saya ng puso ko ngayon dahil nandito sila
Last Updated : 2025-12-01 Read more