"Lia, alam Kong gusto mo lang naman na isalba itong lupang pag aari natin pero, anak, hindi mo na daat sinabihan ng gano'n. Kahit naman Sabihin pa nating masasama ang ugali nila Kasi mayayaman Sila, dapat pa rin natin Silang respetuhin lalo't nasa hapag kainan tayo kanina...." paliwanag nito sa kin. Agad akong nag iwas ng tingin. " Hindi ko Naman sinasadyang Sabihin sa kanya ang mga iyon eh. Bigla lang talaga akong nainis sa kanya kanina...." paliwang ko naman Napailing ito saka ako hinawakan sa kamay. May bula ang kamay ko kaya nalagyan rin ng bula ang kamay ni Inay. "Humingi ka ng tawad sa kanya, anak..." Sabi nito dahilan para bawiin ko ang kamay ko sa kanya saka siya pinanlakihan ng mata. "Ako? Hihingi ng tawad? Ayoko nga! Nay, naman!" mabilis kong angal at binalingan na lamang ang mga hugasin ko. Tumabi naman siya sa kin. "Lia..."
Terakhir Diperbarui : 2025-12-08 Baca selengkapnya