Time flies so fast. Dalawang linggo na kaming nandito sa isla, malayo sa mga nangyayari sa labas. Minsan, pakiramdam ko kahapon lang nang makarating kami rito, dala ang bigat ng mundo sa likod namin, at ngayon… para bang ibang buhay na ang nararamdaman ko. Araw-araw, nagigising ako sa tunog ng alon, sa amoy ng dagat, at sa malambot na hangin na humahaplos sa balat ko. Ang simple ng lahat dito walang ingay, walang kasinungalingan, walang panghuhusga parang isang pahinga mula sa lahat ng sakit at pagkabigo na naramdaman ko. Si Sam, tulad ng dati, tahimik lang sa mga ginagawa niya. Paminsan-minsan, nahuhuli ko siyang tumititig siya sa akin, may ngiti na hindi basta-basta naiintindihan, parang may mga bagay siyang alam pero hindi sinasabi. At kahit papaano, ramdam ko na para sa kanya, that there's no lies in this place. “It’s been two weeks, Sam.” bulong ko sa sarili ko habang nakaupo sa buhangin, hinahaplos ng paa ko ang tubig na humahampas sa baybayin. “ I almost couldn't remember ho
閱讀更多