Nagising lang ako nang maramdaman kong bahagyang umuga ang balikat ko. “Ave,” mahinang tawag ni Ethan. “Nandito na tayo.” Dumilat ako, medyo lutang pa ang isip. Nakaparada na ang sasakyan sa parking ng tower ng condo, tahimik ang paligid, parang kami lang ang tao sa buong lugar. Umupo ako nang diretso at hinaplos ang mata ko. “Sorry,” bulong ko. “Nakakatulog talaga ako kapag pagod.” Ngumisi siya ng bahagya. “Halata naman,” sabi niya, may mapaglarong tono. Inirapan ko siya, pero bigla siyang tumawa yung tawang totoo, walang pigil. “You’re crazy,” sabi ko habang ina-unbuckle ang seatbelt ko. “You’re cute,” sagot niya agad, sabay kindat. Napatingin ako sa kanya, pilit pinipigilan ang ngiti, pero tinraydor ako ng sarili ko. Para itago ‘yon, nagmamadali akong bumaba ng sasakyan. Hindi nagtagal, bumaba rin siya. Tahimik kami sa elevator. Ayokong magsalita. Doon lang tuluyang nagsink in sa akin ang deal na ginawa ko kanina kung gaano siya ka-delikado. Napapikit ako sagl
Last Updated : 2025-12-18 Read more