Habang nagsasalita ako sa harap ng maraming tao, unti-unting humuhupa ang kaba sa dibdib ko. Sa simula, ramdam ko pa yung bahagyang panginginig ng kamay ko habang hawak ang mic, yung tibok ng puso ko na parang gustong lumabas sa dibdib ko. Pero habang tumatagal, habang tumatama sa tenga ko ang sarili kong boses, parang may switch na kusang nag-on sa loob ko. This is my space. This is what I prepared for. I looked around. Nakita ko ang mga bisita investors, partners, local officials, staff lahat nakatingin sa akin. Yung iba nakangiti, yung iba seryoso, pero lahat nakikinig. Sa gilid ng paningin ko, nakita ko si Ms. Crisa na bahagyang tumatango, parang sinasabing, you’re doing great. Nakita ko rin si Mr. Martinez na nakatiklop ang kamay, attentive. At kahit ayokong tingnan, nandoon si Ethan, nakatayo sa medyo likod, tahimik, diretso ang tingin sa akin. I continued talking about the vision of the resort kung paano ito hindi lang basta negosyo, kundi isang lugar kung saan pwedeng huming
Last Updated : 2026-01-04 Read more