2 YEARS LATER Mabilis ang naging takbo ng panahon. Hindi ko namalayang dalawang taon na pala akong namamahala sa resort na ito. Dalawang taon ng maagang paggising, pagpirma ng kontrata, pakikipag-meeting, at pag-uwi sa kwarto na pagod pero tahimik ang isip. Ilang buwan na lang, puwede na akong bumalik sa Manila. May mga taong mapagkakatiwalaan na akong pwedeng iwan dito mga taong alam kong kayang ipagpatuloy ang sinimulan ko. Pero bago ang lahat ng iyon, may isang malaking event akong kailangang tutukan. Isang wedding reception bukas. Huminga ako nang malalim habang tinitingnan ang listahan sa tablet ko mga suppliers, oras ng programa, seating arrangements. Kailangan perpekto ang lahat. Hindi lang dahil trabaho ko ito, kundi dahil ito ang klase ng gulo na kaya kong kontrolin. Hindi tulad ng dati. “Ma’am Ave, dumating na po yung event coordinator,” tawag ng isa sa staff. Tumango ako at tumayo. “Papuntahin mo sa conference room.” Habang naglalakad ako sa hallway ng resort, sagl
Last Updated : 2026-02-04 Read more