Kinaumagahan ramdam ko pa rin ang pagod sa katawan ko kahapon, yung pagod na mentally tired. Nag-ayos ako at pumunta na sa opisina para simulan na ang araw ko, emails, papers that need to sign, paulit-ulit lang parang naka auto-pilot lahat ng mga gagawin ko araw-araw dito sa resort. Pagpasok ko sa opisina, agad kong binuksan ang laptop ko. Ilang sandali akong nakatitig lang sa screen bago nagsimulang magbukas ng emails. May mga inquiries tungkol sa bookings, confirmations para sa mga events, at mga reports na kailangan kong tingnan. Looks like a normal day feeling ko tuloy ako na yung hindi normal. Pinilit kong ituon ang atensyon ko sa trabaho. Isa-isa kong sinagot ang emails, pinirmahan ang mga papeles na iniwan sa mesa ko sa pagkaka-alala ko kahapon patong mga papeles dito hindi ko lang napansin dahil sa masyadong okupado yung utak ko, at nag-schedule ng meeting para sa susunod na linggo. Pero kahit anong pilit kong mag-focus, paminsan-minsan bumabalik pa rin sa isip ko ang mga n
最終更新日 : 2026-03-07 続きを読む