Tahimik ang paligid. Sobrang tahimik, parang ang buong mundo ay huminto para bigyan ng pahinga si Isha. Ang bagong safe house ay maliit lang… isang kwarto, isang munting sala, isang kusina na may lumang ref, at terrace na may tanawing puro mga puno. Pero para kay Isha, sapat na itong maging pansamantalang kanlungan.Nakahiga siya sa lumang sofa, ang katawan ay mabigat ngunit ang dibdib ay hindi na kasing-sikip kagabi. Sa sulok, narinig niya ang tunog ng kettle… si Nathan, naghahanda ng kape. Ang simpleng ingay na iyon ay parang lullaby sa kanya.Pumikit siya sandali, humihinga ng sariwang simoy ng hangin, amoy ng pine, at bahagyang bango ng instant coffee na ginagawa ni Nathan.Tapos biglang may…TOK. TOK. TOK.Isang mahinang, maingat na katok ang umalingawngaw mula sa pintuang kahoy. Parang biglang may sumuntok sa dibdib ni Isha. Nanlaki ang kanyang mga mata at si Nathan naman ay natigilan sa ginagawa niya sa kusina.Tatlong malalakas na katok ulit.TOK. TOK. TOK.This time mas madi
Last Updated : 2025-11-21 Read more