BOOK 2 CHAPTER 23RD POV "Dad.." Wika ni Simon, matapos siyang makapasok sa opisina ng kanyang ama. "Anak, kanina pa kita hinintay." Wika nito, habang nilapitan niya ito at yumakap dito. "Kanina pa ako dumating Dad, may bisita po kasi kayo kanina, kaya naisipan ko muna na pumunta sa opisina ko." Sagot niya, habang umupo sa tapat nito. "Dapat pumasok ka nalang kanina, kapatid mo lang naman ang bisita ko." Pilit na ngumiti si Simon, sa kanyang ama, dahil sa sinabi nito. Matagal na nitong pinakilala sa kanila si Jomar, mga bata pa lang sila, pero hanggang ngayon ay hindi niya ito matanggap. Lalo na sa ugali nito. "Hayaan mo na Dad, umalis na po tayo, baka kanina pa naghintay sa atin ang business partner niyo." Wika niya, habang tumayo. Tumayo na rin ang kanyang ama, matapos nitong tawagan ang secretary nito, pati na rin ang driver nito. "Nasabihan mo na ba ang kapatid mo?" Tanong nito sa kanya. "Sinabihan na yata ni Mommy, Dad. Saglit lang kasi kami nagka-usap kanina, dahil may
Last Updated : 2026-01-01 Read more