Dahil sa sobrang excitement, halos hindi ako makapaghintay na sumapit ang sumunod na Sabado. Ang ending? Mas lalo akong naging ganado sa school. Tuwing vacant periods namin, imbes na makipag-chismisan ako sa canteen, nasa library Ako at seryosong ginagawa ang mga AutoCAD exercises na sinend ni Alistair. “Hoy, Chloe. Baka naman mag-top one ka na niyan sa klase, ha? Nakakatakot ka na,” puna ni Mia habang pinapanood akong mag-trace ng floor plan sa laptop ko. “G*ga, kailangan kong patunayan sa kaniya na mabilis akong matuto. Para next time, hindi na lang basic lines ang ituro niya sa akin,” sagot ko nang hindi inaalis ang tingin sa screen. “Sus! Ang sabihin mo, gusto mo lang uli magpa-cute sa kaniya. ‘Yung tipong ‘yung braso niya, nakadikit na naman sa balikat mo,” pang-aasar niya sabay sundot sa tagiliran ko. Hindi ko siya sinagot pero hindi ko rin mapigilang mapangiti. Huling-huli ng bruha ang motibo ko, eh. “Alam mo ikaw? Bumalik ka na lang sa room at mamburaot na sa mga classmat
Zuletzt aktualisiert : 2026-02-26 Mehr lesen