Samantha's POVKung may award lang para sa pinaka-malas na empleyado ng taon, paniguradong ako na 'yon.Mabait naman ako, responsableng anak at desenteng mamamayan, wala pa akong nakaaway mula pa noong bata ako, pero bakit sa dinami-dami ng tao sa mundo, sa akin pa talaga nangyari ang kamalasang ito?Nandito ako ngayon sa conference room, naninigas na nakatayo sa harap ng lahat. Sa harap ko naman ay naka-display sa isang malaking LED screen ang project ng team namin na dapat ay ipinagmamalaki na naman namin, katulad ng nakasanayan... kaso mukhang hindi iyon ang mangyayari ngayon.I am one of the Junior Marketing Designers here at Eros Advertising Group. Hindi man ako matagal na empleyado rito, pero kayang-kaya kong sabihin at ipagmalaki na kailanman ay hindi pa ako nasita ng mga bosses, lalo na ng CEO naming si Boss Raz... ngayon lang talaga."Miss De Miranta," malamig niyang tawag sa apelyido ko, na talaga namang nagpakabog nang matindi sa dibdib ko. "Would you like to explain what t
Last Updated : 2025-11-10 Read more