Pagbaba namin sa University ay dirediretso na akong naglakad palabas ng gate habang bitbit ang mabigat kong drawing tube at notebook. Sa inis ko’y hindi na ako nagpaalam kay Mia. Gusto ko na lang umuwi, humilata, at kalimutan na nangyari ang araw na ito. "Chloe! Huy, madaling madali?!" Hiningal na humabol sa akin si Mia. "Ano ba kasing nangyari at ganyan na lang ang jnis mo ngayon?” "Wala nga. Naiinis lang ako, iyon lang," maikli kong sagot at pumapara na ng jeep. "Sige na, Mia. Mauna na ako sa'yo. Sa ibang jeep ka na lang sumakay." "Ay, ganun?” “Oo, ganun. Bye!* "O-okay? Text ka na lang 'pag okay ka na, ha?" nag-aalalang sabi niya bago ako tuluyang sumakay. Sa loob ng jeep, isinandal ko na lang ang ulo ko sa bakal na barandilya.bPagdating ko sa bahay ay nakita kong nagdidilig ng mga halaman sa labas si Mama. "Oh, nandito ka na pala, anak. Kamusta ang site visit?" nakangiting tanong niya. "Ayos naman po, Ma. Napagod lang po sa pag-iikot," sabi ko sabay halik sa pisngi niya.
Zuletzt aktualisiert : 2026-02-28 Mehr lesen