"Kaya pala parang familiar ka sa akin. Right!"Nabigla ako sa biglaan nyang pagtayo. Nilatag nya ang hawak na papel sa lamesa at mabilis akong tinungo. Tumayo naman ako upang humarap sa kanya."You're always in the news!"Mula sa strikta at masungit na mukha, naging tuwang-tuwa ang mukha nya ngayon. Halos umabot na sa tainga ang labi sa kakangiti sa akin."Late na, but still, welcome to our university, Mrs. Valderama."Napatanga ako at halos matuko na sa kinatatayuan nang bigla nya akong yakapin. Napagtanto ata nya ang kinilos kaya tumikhim sya at bumalik sa pagiging seryoso ang mukha nya."T-thank you po," awkward akong ngumiti sa kanya.Pareho na kaming umupo ulit sa kaniya-kaniyang pwesto kanina. Isang beses nya akong nginitian bago tumikhim ulit."Okay, Mrs. Valderama. Personally, I want to grant your request, but because we have rules here, gusto ko maging fair sa mga kasama mo."Tahimik akong tumango sa kanya, naghihintay sa sunod pa nyang sasabihin."The only way this will even
Read more