"Tara na doon, Anna. Baka kung ano pa ang nakikita mo riyan," yaya ni Lando habang hinahawakan ang siko ko para hilain pabalik sa cottage namin.Ngunit hindi ako makahakbang. Ang mga paa ko ay parang bumaon na sa buhangin. Nakita ko ang dahan-dahang pagbaba ni Raz mula sa veranda. Bawat hakbang niya pababa ng hagdan ay nagdudulot ito ng isang mabigat na yabag sa dibdib ko. Hindi ko alam kung saan ako kumuha ng kapal ng mukha, pero imbes na tumakbo palayo, ang poot na inipon ko sa loob ng dalawang taon ang nanaig.Alam kong nakita niya ako pero bakit parang wala man lang siya reaksyon?"Lando, sige na, mauna ka na roon. May... may kakausapin lang ako," halos nanginginig kong bilin sa kaibigan."Sino? 'Yung nakasuot ng suit? Mukhang bigtime 'yun, ah. Ano namang kailangan mo sa kaniya?" nagtatakang tanong ni Lando, bakas ang protektibong tono sa tinig."Basta. Please, mauna ka na muna,” pagsusumamo ko.Napilitan si Lando na bitawan ako pero hindi siya lumayo. Nanatili siyang nakatayo ila
Última atualização : 2026-01-13 Ler mais