Inis na tinitigan ni Lando si Raz. "Ikaw ang dapat kong tanungin niyan. Bakit ang aga mong nandito sa loob ng bahay ni Anna?""Lando, sandali lang—" tangka kong awat, pumagitna sa kanilang dalawa."Anna, hindi ka dapat nagpapapasok ng kung sinu-sino lang dito.""May sakit siya, Lando. Ang tagal niyang tumambay sa labas kaya hindi ko naman siya pwedeng pabayaan lang doon. Kasalanan ko rin naman," mabilis kong paliwanag habang hinihila ang pinto para tuluyan siyang papasukin. "Pumasok ka na. Sabay-sabay na tayong mag-almusal. Tutal, may dala kang pandesal, 'di ba?"Napakunot ang noo ni Raz sa sinabi ko, pero sumunod na lang din siya at naupo sa tapat ng maliit naming mesa. Si Lando naman ay padabog na inilapag ang balot ng pandesal sa gitna."Tama lang para sa atin, Anna, ang nadala ko. Hindi ko alam na may asungot pala rito," ani Lando habang kumukuha ng dalawang tinapay para sa amin. Sinadya niyang ilayo ang supot kay Raz."I don't eat cheap bread anyway," masungit na bulong naman ni
Last Updated : 2026-01-19 Read more