"Bolero ka talaga, Lando!" saway ni Susing habang binabato ito ng isang pirasong plastic bag.Ako nama'y napakamot na lang ng ulo. Ano ba ’yan! Kay bago-bago ko rito ay may pumi-pickup line na. Tinawanan n'ung Lando ang pagsaway sa kaniya ni Susing, and surprisingly, nakakahawa ang tawa niya. "Hindi ako bolero, Susing! Nagsasabi lang ako ng totoo. Ako si Lando, Anna. Ang pinakagwapong baker dito sa Davao Oriental—o baka sa buong Mindanao na!""Nice to meet you, Lando," tugon ko, bahagyang natatawa at nahihiya na rin sa kaniyang pagiging masiyahin. "Huwag mo nang pansinin 'yan, Anna," sabi ni Nay Sayong habang itinuturo ang counter. "Doon ka na sa labas. Iyong mga suki natin ay naghihintay na.""Ako na ang magtuturo sa kaniya sa counter, Nay!" prisinta agad ni Lando, na hindi pa rin binibitawan ang kamay ko hanggang sa mapansin niya ito at dahan-dahang binitawan habang nakakamot sa ulo. "Sorry, nadala lang ng ganda mo. Tara, Anna, ituturo ko sa iyo kung paano magbalot nang mabilis
Última atualização : 2026-01-11 Ler mais