Tahimik si Leo. Pero sa isip niya, Justice daw, Sir? Eh parang teleserye na ‘to!Napangiti siya habang paalis — at sa hallway, binulong niya sa sarili:“Si Sir Kenneth talaga... ibang level magmahal. Pero ibang level din magalit!”Tahimik ang bahay nang dumating si Kenneth Sy. Galing siya sa opisina, pagod pero hindi niya ipinapakita. Nakasuot pa rin ng maayos na polo at relo, pero pagdating sa bahay—nagiging simpleng “mekaniko” siya sa paningin ng asawa niyang si Riza.Pagbukas niya ng pinto, bumungad sa kanya si Riza na nakayuko sa sahig, hawak ang mop. Basang-basa ang buhok, may mga mantsa pa ng sabon sa braso, at may manipis na pawis sa noo.Sa tabi, nakasalansan ang mga pinlantsang damit, mga nilinis na plato, at mga lalagyan ng sabon.“Riza,” tawag ni Kenneth, medyo malumanay.Lumingon si Riza, hingal pa. “Oh, nandiyan ka na pala, Kenneth. Sorry, hindi pa ako nakapagluto. Kakauwi ko lang galing sa KS, tapos naglinis pa ako. Grabe, parang buong bahay yata inatake ko ng sabon.”Ng
Last Updated : 2025-11-23 Read more