Nang makaalis na si Riza, agad nagbago ang ekspresyon ng mukha ni Kenneth. Mula sa ngiti, naging seryoso ang mukha niya, parang may switch na na-turn off. Ilang sandali pa, sinulyapan niya ang direksyong tinahak ni Riza, saka niya sinenyasan ang driver na kanina’y muntik na niyang mapagalitan. Agad itong lumapit at pinarada ang mamahaling SUV sa harapan ni Kenneth.“Sir, pasensya na po. Akala ko—”“Next time,” malamig niyang putol, “Kapag kasama ko ang babaeng iyon, wag kang lalapit. Huwag kang tatawag ng sir, huwag mo akong titignan, huwag kang magpapakita. Maliwanag ba?”Tumango agad ang driver, pawis na pawis sa takot “Opo, Sir Kenneth.”Sumakay na siya sa likurang upuan. Kinuha niya ang cellphone at tinawagan ang assistant niyang si Leo, ang pinakamatapat at pinakakabado niyang empleyado.“Leo, maghanap ka ng simpleng bahay sa area na ito,” malamig niyang utos. “Gusto ko ‘yung pang-mekaniko lang, maliit, pero malinis. Sabihin mong rush.”“Sir? Simpleng bahay po? Sino ang titira?”
Last Updated : 2025-11-11 Read more