Pagdating nila sa hotel, binaba siya ni Kenneth sa may employee entrance.“Sige, pasok ka na. Hintayin lang kitang makapasok,” sabi nito.“Ha? Hintayin mo pa ako? Aba, grabe, may trust issues pala to” biro ni Riza.“Hindi, gusto ko lang siguraduhin na safe ka,” sabi ni Kenneth.Natawa siya. “Grabe, protective husband talaga. Pero sige na, aalis na ako.”Pagkapasok niya sa loob, sinundan siya ng tingin ni Kenneth hanggang sa tuluyang mawala ito sa paningin niya. At nang masiguro niyang wala na si Riza, bumuntong-hininga siya.“Time to change,” sabi niya sa sarili.Maya-maya, may pumaradang itim na Lamborghini Urus sa gilid ng kalsada. Lumapit si Kenneth, tinanggal ang jacket ng mekaniko, at pumasok sa loob ng sasakyan.Sa loob, naghihintay si Leo, ang kanyang assistant na laging pawis kahit naka-aircon.“Good morning, Sir Kenneth,” bati ni Leo habang ibinibigay ang schedule. “You have a meeting with the Luxe Department Store board at ten, then lunch with the investors.”“Fine,” malamig
Last Updated : 2025-11-21 Read more