Nang dumating si Picoy kasama si Nicky, ay agad na kaming umalis at iniwan ang gamit ni Magnus kay Eros.Mag aalasdos na ng madaling araw ng makarating kami sa bahay, agad akong pinaalalayan ni Lola kay Nicky paakyat sa kuwarto ko dahil hapong hapo ako, hindi dahil sa pagod o kung ano man, kundi dahil sa durog na durog ako ngayon.Nang makapasok kami ng kuwarto ay nahiga na ako kasunod no’n ay lumabas na si Nicky at iniwan kami ni Lola sa loob ng kuwarto ko.“Matulog na tayo apo, tatabihan kita” nakangiting sabi ni Lola at nahiga sa tabi ko. Pinatagilid niya ako at magkaharap kami, hindi ko parin maiwasang maluha, kaya todo punas si Lola sa luha ko, at nakuha narin nag bara ng ilong ko dahil sa sipon.“Wag ka na umiyak apo, magiging okay rin si Magnus, basta magtiwala lang tayo sa itaas…” ani Lola sakin ng nakangiti.“Lola, paano pag nawala si Magnus?” hikbi ko “Shh, wag kang magsakita ng ganyan, wag kang mag isip na mawawala sayo si Magnus. Mahal na mahal ka no’n e. Alam kong lumal
ปรับปรุงล่าสุด : 2025-12-30 อ่านเพิ่มเติม