Agad akong tumayo ng magising ako. Pag tingin ko kay Magnus ay mahimbing pa siyang natutulog kaya agad kong chineck ang phone ko, at 5 am palang. Pinusod ko muna ang buhok ko tsaka ko inayos ang unan at tinupi ang ginamit kong kumot, nabasa ko rin ang text ni Eros na hindi muna siya makakadalaw dahil may importante lang daw siyang kailangan asikasuhin sa trabaho, kaya naman naisipan ko nalang magorder online at magpadeliver ng makakain namin ni Magnus.Nang makaorder ako ay sinabihan ko na rin ang rider na iwan nalang sa front desk ng hospital at ang inilagay kong name, is name ni Magnus, since makikita naman sa records of patient kung saang floor at room kami.Habang hinihintay ang order ay inayos ko na muna ang higaan ni Magnus, inayos ko rin ang kumot niya pataas para hindi siya lamigin, inadjust ko na rin ang temperature ng aircon, dahil sobrang lamig.“Maupo ka lang, kanina ka pa hindi mapakali” biglang sabi ni Magnus ng maglalakad na sana ako patungo sa sofa para sana imessage
ปรับปรุงล่าสุด : 2026-01-05 อ่านเพิ่มเติม