Madilim at malamig ang loob ng detention facility. Amoy semento, bakal, at lumang kalawang ang buong paligid habang tanging tunog lamang ng mabibigat na yabag ng mga guwardiya ang paminsan-minsang pumapawi sa nakakabinging katahimikan ng lugar. Sa loob ng selda, tahimik na nakaupo si Axel sa sulok. Magulo na ang buhok niya. May mga bakas pa ng pasa sa gilid ng labi at pisngi, mga marka ng galit na minsan na niyang tinanggap mula kay Blane. Ngunit sa kabila ng ayos niyang tila bagsak na, nananatili pa rin ang matinding poot sa mga mata niya. Dahan-dahan niyang itinaas ang ulo habang malamig na nakatitig sa madilim na kisame. “Melissa Romero…” mariin niyang bulong. Unti-unting kumuyom ang mga kamao niya. “Hindi ako makakapayag sa ginawa mo sa akin.” Bigla siyang napatigil nang makarinig ng tunog ng susi mula sa hallway. May paparating. Ilang segundo pa, huminto ang isang guwardiya sa harapan ng selda niya. “De Asis,” malamig na tawag nito. “You have a visitor.” Bahagyang nanlak
Read more