Ngumiti si Khalil, trying to be casual. "Saan tayo maglalaro, Uncle? Sa entertainment room o dito na lang sa sala?""Dito na lang," malamig na sagot ni Nikolaj.Mabilis na nag-set up si Khalil, hinila niya ang isang round high table sa tapat ng bintana at naglagay ng dalawang silya. Si Nikolaj naman ay naka-wheelchair kung kaya’t hindi na siya kumuha pa ng isa. Si Minna at Khalil ay magkatabi habang nasa harapan nila ang tiyuhin. Habang nagsha-shuffle ng baraha si Khalil agad na nagtanong ang binata, "So, anong taya natin? Pera o truth-or-dare?"Napasulyap si Minna kay Nikolaj kung kaya’t nagkasalubong ang mga mata nila. Agad siyang napayuko dahil sa hiya at kaba. "Pera," malamig na sagot ni Nikolaj.Hindi man lang nagsalita si Minna ngunit tinapakan niya ang mga paa ni Khalil. Hello, wala siyang perang pampusta. Tumawa lang si Khalil at inakbayan siya. "Chill ka lang, babe. Sagot ko na ang sa’yo. Kung talo ako na ang bahala pero kung panalo ka naman, sa’yong-sayo ang pera.” Pero
Huling Na-update : 2025-12-05 Magbasa pa