Sa loob ng mansyon, naiwan ang mag-tiyuhin na masama ang tingin sa isa’t-isa. Walang humabol kay Minna dahil alam nilang hindi naman ito makakalabas ng compound. Naka-lock din ang main gate kung kaya’t hindi ito makakatakas pa.Lumapit si Khalil kay Nikolaj, halatang galit na galit sa tiyuhin. “Uncle, gusto mo ba si Minna?” diretsahang tanong ng binata. Subalit kalmado lang si Nikolaj, tina-tap pa nito ang mga daliri sa armrest ng wheelchair. “Paano kung sabihin kung oo?” Sa oras na yun, kumuyom ang kamao ni Khalil, para itong isang bulkang sumabog dahil sa sobrang galit."Uncle, alam mong girlfriend ko siya!" sigaw ng binata."So?" walang kwentang sagot ni Nikolaj.Tumawa ng mapakla si Khalil at hindi makapaniwala sa sinabi ng tiyuhin. “Uncle, dati kang sundalo, hindi ka ba nahihiya sa sinasabi mo?” "Retired na ako," simpleng sagot ni Nikolaj."Hindi ko siya ibibigay sa'yo!" madiin na sabi ni Khalil kay Nikolaj subalit tinaasan lamang siya ng kilay ng tiyuhin. “Then we’ll see kun
Last Updated : 2025-12-06 Read more