Pagkalipas ng ilang minuto, bumangon na si Minna sa kama. Nagbihis, nagpunas ng mukha, nag-apply ng sunblock, nagsuot ng sumbrero, facemask pati na jacket. Balot na balot siya, daig pa niya ang isang taong may tinataguan. Si Nikolaj naman ay tahimik na sinuri ang dalaga. Tinanggal nito ang sumbrero ni Minna saka nagtatakang nagtanong. "Babe, hindi ka naman mainit sa labas, bakit balot na balot ka? Sasakay tayo ng elevator papuntang basement parking. Pagdating sa ospital, sa tapat mismo ng entrance tayo bababa."Sinamaan lang niya ito ng tingin. "Pumapasok kaya ang araw sa bintana ng sasakyan!"Napangiti na lang si Nikolaj. "Sige na nga. Your rules."At gaya ng sinabi ni Nikolaj, hindi man lang nasikatan ng araw si Minna. Mula hotel room, elevator, hanggang parking, nasa lilim lang sila. Pagpasok sa kotse agad niyang ibinaba ang mga blinds sa backseat. Pagbaba sa ospital, dumiretso agad sila sa lobby.Hindi na sumama si Nikolaj sa loob ng ward. Nanatili ito sa waiting area para bigya
Huling Na-update : 2026-01-05 Magbasa pa