Sa kabilang dako ng bansa, malayo sa maputik at maulan na gubat, nakatayo si Nikolaj sa harap ng floor-to-ceiling glass window ng kanyang penthouse.Hawak niya ang kanyang cellphone sa isang kamay, habang ang kabilang kamay ay may ipit na sigarilyo na unti-unting nauupos.Ang boses niya ay mababa, kalmado pero nagdadala ng banta ng kamatayan."Nawala siya sa mismong teritoryo mo, General. Ibig sabihin, pananagutan mo 'to," malamig na litanya ni Nikolaj, bawat salita ay parang balang tumatagos sa kabilang linya. "Bibigyan kita ng tatlong oras. Sa loob ng tatlong oras, gusto kong makita si Minna dito nang walang kahit isang galos. Dahil kung hindi… alam mo kung anong kaya kong gawin."Sa kabilang linya, halos magkanda-utal-utal sa paghingi ng tawad si Tomas, isang kilalang warlord at heneral na may hawak ng kapangyarihan sa probinsya kung nasaan sana si Minna."M-Mr. Carreon, pasensya na po! Wag po kayong mag-alala, inutusan ko na ang lahat ng mga bata ko para hanapin siya!" pinagpapawi
Read more