Ako, Ikaw, Isang Gitara at Isang regalo••No'ng gabing iyon, habang busy sa paggawa ng assignment sa science, tinawag ako ni papa."Si sebastian nasa labas ate hinahanap ka." wika ni papa na may malapad na ngiti.Sandamakmak na text message at dalawang tawag ni sebastian ang hindi ko pinansin dahil sa pagtatampo ko. Hindi ko rin namalayan na kagaya niya ay matampuhin din pala ako."Sabihin niyo po tulog na..." mahina kong sambit."Naghihintay, may sasabihin yata sa'yo? Sabihin ko sandali lang?" sambit ni papa na buti na lang hindi narinig 'yong sinabi ko kanina baka magtanong pa siya at kampihan ako.Napabuntong hininga na lamang ako."Pasabi po wait lang po...""Sige," ta's narinig ko na ang sigaw ni papa kay sebastian.Tinapos ko muna iyong ginagawa kong assignment sa science, no'ng matapos ay agad ko itong sinara at binitbit. Tinungo ko ang labas ng bahay, nakita ko si sebastian na tinutulungan si mama na magpaypay sa paninda. Nagtatawanan sila."Ayan na, 'yong assignment. Balik m
Last Updated : 2025-11-20 Read more