Naiibang nilalang••Pumasok kami ni daniel sa venue nang magkahawak ang kamay. Napakagara ng lugar, napakalaki at napakamakulay."My families over there, come on." ani daniel at tinungo namin ang mahabang table sa gitna.Napapalibutan ang mesa ng mga high-class na tao at siguro mga nasa 30's or 40's na ang mga ito. Tinititigan nila ako mula ulo hanggang sapatos habang nakataas ang isa nilang kilay sa akin. Ang tataray nilang tignan, kahit iyong mga lalaki ang tataray rin tignan. Kumbaga sa isang pelikula o drama, ako iyong bida tapos sila iyong mga kontrabida na gusto akong ipakulam."Hi po, good evening po..." nahihiya kong bati sakanila.Isa-isa akong lumapit sakanila at nagmano na kanila namang ikinabigla."And whose this guy, elizabeth? Why did you bring him here?" ani ng isang lalaki na seryoso ang titig sa akin."Oh dad, mom, aunties, uncles, and board members...this is lance sebastian jimenez, my boyfriend."Wala akong masabi, bigla akong sinapian nang espiritu ng kaba at hiya
Huling Na-update : 2025-11-20 Magbasa pa