Share

Sneek Peek IV

Author: the1999cut
last update Last Updated: 2025-11-20 15:57:09

Classroom Couple

••

At hindi rin nagtagal ang paglilihim sa relasyon naming iyon...unang nakaalam ay sina ricky, ismael, at isay dahil ang madaldal na si sebastian ay nakwento agad kala ricky ang tungkol doon at kumalat iyon kay isay. Wala sana akong balak sabihin sa tatlo kong kaibigan ang balitang alam kong ikakatuwa nilang malaman pero nahahalata nila sa GM ni sebastian na may something...pinagpatuloy ko ang pagtanggi pero no'ng tinanong nila si sebastian ay agad itong sumagot ng katotohanan kaya hindi na ako nakatanggi.

No'ng unang araw namin ni sebastian, nanonood kami ng parada ng holloween costume sa may labas ng looban. Nilibre niya pa ako no'n ng fishball ta's ang saw sawan pa no'n ay ang nakasanayan na namin na suka't sauce na nagcocompliment well sa isa't isa. Kahit wala naman akong kamag-anak na ibinurol do'n sa sementeryong malapit ay sumama ako dahil nag-aya si sebastian. Madaming tao sa sementeryo dahil araw ng mga patay...madaming dumadalaw sa mga kamag-anak nilang nam
Continue to read this book for free
Scan code to download App
Locked Chapter

Latest chapter

  • Ay Nako, Bahala Ka (Life Series 3)   Sneek Peek XIII

    Ibong malaya••"Nakita mo 'yong bago ni sebastian, ligaya?" wika ni ricky na medyo may amats at bumili ng ihaw pang pulutan nila."Nakita ko...maganda."Tumawa siya ng malakas na wari'y nang-aasar sa akin kaya tinignan ko lang siya ng masama hanggang sa tumigil siya."Huwag mong sabihin na may gusto ka pa rin kay sebastian? Hahahaha!"Hindi ako naimik sa sinabi niyang iyon at nag-ihaw na lamang."May gusto ka pa rin do'n sa kumag na 'yon? Gagu hahahahaha!"Napangiwi lang ako sakaniya."Bilang magkaibigan tayo ligs, pawang katotohanan ito, ah? Tigilan mo na 'yan pagtingin mo kay sebastian. Hindi 'yon bumabalik sa mga ex no'n! Kilala ko 'yon! Una, ikaw. Sumunod 'yong chixx na dayo sa kabilang kalsada, m.u yata sila no'n? Hindi nagtagal kasi ldr! Iyong pinakilala niya syota niya no'ng college! Ligwak, hindi nagtagal! Unawain mo lahat ng mga 'yon, ni-isa sa mga iyon hindi niya tinangkang balikan!"Bakit ba kinukwento nito sa akin ang mga 'yon? Atsaka nagkaroon ng summer fling si sebastia

  • Ay Nako, Bahala Ka (Life Series 3)   Sneek Peek XII

    Sipag ngunit walang nilaga••Nagpatuloy ang araw na parang nagmamarathon sa bilis. Nahalata na rin siguro nila mama at papa na wala na kami ni sebastian no'ng hindi na ako lumalabas ng bahay bukod sa magtitinda ako, hindi na rin ako sumisilip sa bintana kapag naririnig ko ang boses ni sebastian sa labas, at hindi na rin babad ang mata ko sa aking cellphone sa kakatext. Iyong mga gawain ko dati ay hindi ko na ginagawa ngayon...at alam kong napapansin iyon ng magulang ko pero hindi nila magawang magtanong.At dahil summer...at kapitbahay ko lang naman siya...hindi ko siya kayang iwasan. Na sa tuwing nagtitinda ako ng ihaw ay nandoon siya at nagpapapampam na para bang wala lang nangyari sa amin. Parang normal lang siya. Nang-aasar at nagpapaasa...walang palya. Hindi man lang nagbago. Hindi man lang makaramdam. Wala naman akong magawa dahil mas namumuo ang damdamin ko kaysa gumagana kong utak. Ilang taon ko siyang mahal...hindi naman siguro gano'n kabilis na mawala iyon kagaya sakaniya.

  • Ay Nako, Bahala Ka (Life Series 3)   Sneek Peek XI

    Paglipas ng araw ay ikaw rin••"Okay lang ba talaga kayo, pa?" tanong ko no'ng kaming dalawa lang ni papa sa may sala nanonood ng tv."Oo naman, ate. Huwag ka mag-alala. Kailan ba ulit graduation mo?""March twenty nine ho. Last week ng March.""Okay lang ba kahit spaghetti handa mo? Magluluto si mama mo ng spaghetti?""Nako pa! Huwag na kayo mag-abala! Pambili niyo na lang 'yon ng gamot niyo! Tignan mo ho ang payat mo na!" may pag-aalala na bakas sa tono at tingin ko sakaniya.Tumawa lang siya sa pag-aalala kong iyon at no'ng matauhan na nag-aalala pa rin ako ay tumigil na siya sa pagtawa at ngumiti na lamang habang dahan dahan na hinahaplos ang ulo ko."Gutom ka na ba? May prinito na yata r'yan si mama mo na itlog."Hindi na lang ako nagsalita at sinamahan na lang siya manood. Kung ayaw niya sabihin sa akin ang totoo ay irerespeto ko iyon."Okay ka lang ba?" tanong ni sebastian no'ng makasabay ko siya sa canteen.Nakapila kami ngayon sa may bilihan ng soup, lilibre niya raw ako ng

  • Ay Nako, Bahala Ka (Life Series 3)   Sneek Peek X

    Kasabay ng ihip ng hangin••Sinigaw pa ni sebastian ang pangalan ko sa labas. Marahil aalis na sila upang tunguin ang venue sa JS Prom na roon pa rin naman kagaya last year.Sinilip ko lamang ang kumakaway na si sebastian. Kumaway naman ako pabalik. Iyong porma niya ngayon ay sigurado akong last year din pero hindi naman iyon halata dahil ang damit ng lalaki ay hindi big deal sa ganitong okasyon...mga babae minsan ang bida sa gano'n dahil ang babae ang pinaka nag-aayos. Nakakainggit...e di sana magkasabay kaming papasok doon sa venue na parang couple of the night.Patuloy lang ang pagsulyap ko sa masaya niyang mukha habang papalayo sa aking tingin. Kainis! Nang-iinggit pa yata ang kumag!Buong gabi ako nag-aabang ng text mula kay sebastian...pero para bang kinalimutan ako ng siraulong 'yon! Kung anong ganap? Sino nakakatuwa ang itsura? Sino una niyang sinayaw at huling sinayaw? May nasiraan ba ng heels sa mga girls? Sino nanalong Prom Queen at King? Lahat ng 'yon ay wala siyang binal

  • Ay Nako, Bahala Ka (Life Series 3)   Sneek Peek IX

    Pebrero ko'y iyo pa rin••"Okay sige, magseseryoso na 'ko. Promise! Peksman! Kain susi! Mamatay man angkan ko!" panata niya sa harapan ko.Naglalakad kami pauwi. Sinundan niya ako dahil hindi ko siya pinansin kanina sa school. Hinayaan ko lang siya tumabi sa akin at magdaldal mag-isa...kahit na mahirap para sa akin na hindi agad siya pansinin at kausapin pero kailangan...para malaman naman niya na seryoso ako."Turuan mo ako! Makikinig ako sa'yo! Mag-aaral ako ng mabuti para sa future natin!" aniya."Ilang buwan na lang graduation na sebastian...kulang ka na sa oras.""Hindi naman nagmamadali ang mundo para sa pagbabago, ah? Tanggap ko na 'yong grades ko gano'n pero at least sa 4th grading exam may chance ako makakuha ng mataas 'di ba? Tapos tataas marka ko sa grade. Kung tutuusin katanggap tanggap pa rin naman 'yong grado ko, eh. Sabi ni kuya steven hindi naman daw sa grades nakukuha ang pagyaman kundi sa diskarte sa buhay.""Tsss, sinasabi lang 'yan ng mahihirap na hindi nag-aral n

  • Ay Nako, Bahala Ka (Life Series 3)   Sneek Peek VIII

    Babagsak ang Damdamin••Syempre, hindi naman nagtagal ang inis ko sakaniya no'n. Kaunting lambing lang niya ay bumibigay na agad ako. Bumawi naman siya no'n kinagabihan, hinarana niya muli ako sa may tambak. At parang automatic na after no'n ay magkakatitigan hanggang may kung anong tensyon kaming mararamdaman sa isa't isa dahilan ng pagdampi ng aming mga labi sa isa't isa. Kaya lang ang pangalawang beses na ito ay kakaiba sa pakiramdam. Mas matagal kaysa una. Mas malambing, mas sabik, mas alam na ang gagawin...ang galaw ng mga labi. Ang haplos sa braso. Sa pangalawang beses na iyon pareho na kaming hindi na nangangapa sa nangyayari. Hindi na kami gano'n ka inosente.Kaso pagdating ng bagong taon ang siya naman minalas ng pamilya ko. Si papa naaksidente at napilayan ang paa dahilan upang tumigil sa pagtatrabaho. Si mama naman ang kumayod sa pamilya, labandera paminsan minsan sa umaga, tindera sa hapon ng ihaw ihaw. Gusto ko man tumulong ngunit sabi nila ay mag-aral na lamang akong ma

More Chapters
Explore and read good novels for free
Free access to a vast number of good novels on GoodNovel app. Download the books you like and read anywhere & anytime.
Read books for free on the app
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status