Diane's POV "Good morning doctora" Bungad ko. Kakapasok ko pa lang ngayon sa loob ng clinic nito. Ito pa rin ang doctor na unang tumingin sa akin at nagsabing buntis ako. "Hello, kumusta kana mommy??" Tanong nito sabay turo na niya sa upuan at umupo naman ako. "Okay naman po ako doctora " Sagot ko. Sakto naman na pagpunta ko dito ay medyo walang pasyente si doctora ngayon. Sinadya ko kasing maging maaga para matapos din ako ng maaga. "Kumusta, wala ka bang nararamdaman. Okay lang ba ang epekto ng mga gamot at vitamins sayo???" Sunod sunod na tanong nito. Umiling iling naman ang ulo ko. "Wa-wala naman doc, okay naman vitamins na binigay niyo. Ang kaso lang, kahapun parang merong red spotting akong napansin pero konti lang naman. Okay lang ito? Hindi po ito makakasama sa baby ko??" Sunod sunod na tanong ko. Ito rin ang isang dahilan kung bakit ako bumalik rito. Nag alala kasi ako dahil sa spotting na nakita ko. Hindi ako mapalagay hanggang hindi ako makapagkonsulta sa doc
Read more