Diane's POV Nang makapasok ako, agad na pumunta ako sa crib ng kambal. Nakita kong nagising nga si Amara at pulang pula na ang mga mata nito. "Shit!!! Sorry anak ko," Halos maiiyak ako nang kunin ko ito mula sa crib. Nang makuha ko ito agad na niyakap ko ito. "Sorry, andito na si mama okay? Tahan na" Hinile-hile ko ito sa bisig ko. Sinisi ko ang sarili ko dahil baka kanina pa ito iyak na iyak at hindi ko napansin. Pakiramdam ko parang ang sama sama kong ina dahil pinabayaan ko ito. "Sorry baby, sorry talaga mama is here na okay? Tahan na my love." Hinalikan ko ito sa pinsgi at walang tigil na hinele. "Kanina ka pa ba gising hmm? Sorry baby ang bad ni mama" Tanong ko at naramdaman kong may kumot na pumalibot sa buong katawan ko. Hindi ko na kailangan na lingunin pa ito. Alam kong si Sevy ito kaya napapikit nalang ako. "God! Anong gagawin ko???" Tanong ng kabilang bahagi ng utak ko. "A-ko ba ang ama???" Nanginginig ang boses na tanong nito. Nakayakap ito sa likod ko. Wala n
Read more