Diane's POV Kasalukayang nakatulala ako habang nakaupo sa couch dito sa loob ng condo ni Margaret. Hindi muna ako uuwi ngayon at nagpagpasyahan kong dito na lang muna matulog. Hanggang ngayon kasi, nasa isip ko pa rin ang lahat ng nakita kong picture nila ni Sevy kasama ang babae niya. Hindi ito mawala wala sa isip ko. Binabagabag ako nito hanggang sa mamalayan ko nalang na tumutulo na naman ang mga luha ko. Sobrang sakit ng ginawa nito. Hindi niya lang ako niloko, kundi pinaglaroan niya rin ako. Lahat ng pinakita niya sa akin ay puro pawang kasingulingan lamang at ni isa walang totoo dito. "Tama na nga iyan! Bakit ba kasi hindi ka gumaya sa akin. Iyang mga lalaking yan. Palamuti ko lang sa buhay!." Reklamong sabi ni Margaret na narinig ko at umupo ito sa tabi ko. "Besty, tama na yan please. Alam mo maganda ka at marami ka namang pera eh!. Wag mo ng isipin ang manloloko mong asawa. Dati paman sinabi ko na sayo diba? Hayaan mo na at wag ka ng umasa, pero anong ginawa mo? Naghin
Read more