"BOUND BY A BILLIONAIRE'S MISTAKE" KABANATA 22 โ โBad Thing or a Good Thingโ Habang papalayo nang papalayo sina Sheena at Sheila sa gitna ng nagsasayawang tao, ramdam ko ang unti-unting pag-igting ng kaba sa dibdib ko. At marahil naramdaman iyon ni Wilbert, dahil dahan-dahan niyang kinuha ang mga kamay ko, banayad ngunit tiyak na pinaglapit ang mga daliri namin, saka muling pinag-interlock. Mainit, sigurado, at puno ng pag-aalalang hindi niya sinasabi pero ramdam ko. Sa isang iglap, para akong na-ankla pabalik sa realidad โ pabalik sa kanya. Nalulunod kami pareho sa ritmo at enerhiya ng paligid. Habang nagpapatuloy ang parada, napasayaw na rin kami, hindi man sinasadya, pareho naming sinusundan ang beat ng musika habang magkahawak pa rin ang mga kamay. Paminsan-minsan, nahuhuli ko si Wilbert na palihim na nakatingin sa akin, at sa bawat pagkakataon, kunyari akong hindi nakakapansin kahit ramdam ko ang pag-init ng pisng
์ต์ ์
๋ฐ์ดํธ : 2025-12-03 ๋ ๋ณด๊ธฐ